my heart's desires

Blast

Sunday, October 21, 2007

Nung Friday, kakainternet ko sa office, dahil sa kaadikan ko sa mga showbiz tsika (specifically PEP webiste), eh di ko namalayan na may sumabog na pala sa Glorietta. Uminit pa nga ang ulo ko dahil sa ingay ng mga wangwang, akala ko naman kung ano lang. Nung sinilip ko sa bintana, mga ambulansya at bumbero pala ang mga dumadaan. Napaisip tuloy ako kung saan ang sunog. Hanggang may isang friend ko na nagtext sa akin na "Pau may sumabog daw sa Glorietta, sana nasa office ka lang" Hay touched naman ako don. Dun ko nalaman na may sumabog nga. Unang nabasa ko sa internet eh LPG daw, hanggang sa bomba naman daw. Basta ang confirmed, may mga patay at marami nasugatan. Haay. Kawawa naman sila. Nagmo-mall lang naman sila, tapos sa isang iglap, namatay na sila. Then another friend texted me, un nga, nangangamusta. Kasi feeling yata ng mga friends ko lagi ako sa Glorietta. Hehehe. Pero seriously, touched ako. Kasi concern sila sa akin. Thanks friends!

During lunchtime on that date, nasa Greenbelt 1 kami, dun kami naglunch. Hay, buti na lang dun lang namin naisipan. Eh kasi medyo malayo din naman ang Glorietta sa office. Pero minsan nakakpuslit ako don. Dahil lagi ako dumadayo sa GoldCrest. Pero yun nga. Buti wala kami dun. Salamat sa Diyos.

Yesterday naman, kahit may mga bomb threats eh larga pa rin kami sa Megamall. Sale kasi hehe. Kasama namin ni Janea si Mama pati si Bon. Ayun, sa awa ng Diyos eh safe naman kami. At wala rin naman kami nabili. Si janea lang, binili ni Mama ng shoes. Tas eat kami chef donatelo, badtrip pa yung cashier. Kasi ba naman inuna nung kabubukas lang na cashier yung nasa likod ko. Eh since super pagod na ako eh di nag-init naman ulo ko.

"Miss, nauna pa ako diyan ah"

"Ok mam sandali lang po"

tahimik

"O sige mam uunahin ko na po kayo"

"Dapat lang ako unahin mo kasi ako naman talaga nauna"

Eh di yun na. Eh ang sinerve na dish, nakabalot. So nainis na naman ako. Kasi dine in kami, hindi take out. Inulit na naman. Tpos, nung sinerve yung food ko, mali yung sauce ng chicken. Pinakita ko yung resibo, eh di balik na naman sila. Hay naku.. Pagod at gutom ka na nga, palpak pa yung mga binibigay. Buti na lang masarap yung pesto hmmm. At nagustuhan din ni baby yung soup. so ok lng din.

haay pagod na pagod ako grabe. akala ko nga di na ako makakatayo kaninang umaga. hehe super sakit ng mga legs ko nyay. Ewan ko, bigat kasi ni Janea eh. Tpos si mama, lahat ng store pinasok eh wala naman bibilhin. hay naku, samantalang nung niyaya ko siya, ayaw niya pa daw. Pano na lang kaya pag gusto na niya? hehe.

Anyway, bukas work na naman. Buti na lang next week super long week talaga. Gusto ko tuloy magbakasyon. San kaya?


Posted by pauiej at 2:25 PM | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment