my heart's desires

weekend =)

Sunday, October 7, 2007

Super pagod ang weekend naming mag-ina. Wala kami ginawa kundi maglakwatsa. hehe. My friend Lhanie arrived from Singapore for a vacation here in Pinas (soshal ang lola ko, bakasyunan nya tong Pinas hehe). Last Friday night pa lang lumarga na kami agad. We went to Eastwood kasi meet namin yung party organizer nung first birthday ng anak niya on January. Tapos nagdinner kami SOmething Fishy. Then uwi na rin. Nag-stay pa kami dito sa haus, catching up and internet lang.

Saturday naman, i fetched Janea sa bahay ng mama ko. Tapos inuwi ko na dito sa bahay. Punta kasi kami Megamall, nag-aya ulit si Lhanie. We planned kasi swimming ng Sunday kaya bibili sana kami ng outfit….ng mga bata hehe. Kaya lang, wala kami makita bathing suit for kids, kasi naman out of season daw. hehe! Kaya bumili na lang kami ng mga salbabida. Hehe, super karir para sa isang araw na swimming.

Sunday, we went swimming sa 8 waves. Nung umaga maganda pa yung panahon, mainit pa. Nung una ko nilublob si J sa tubig, nagustuhan niya sa mababaw. Laro siya ng laro ng tubig. Pero nung dinala ko na sa di na niya abot, natakot na. Wala ngang silbi yung binili kong salbabida, ayaw niya naman sumakay. After non, natulog muna siya then sinamantala ko ang pagkakataon, nagpunta kami sa pool na may slide at super slide ako hahaha! Parang sabik sa pool eh! Nung nagising yung anak ko eh pinagswimming ko ulet siya at medyo hindi na siya takot kahit dalhin ko siya sa malalim. Kampay kampay na yung paa niya. At natutuwa din siya don sa electric waves. Kahit nahahampas na siya sa mukha ng alon, ok lang. Ilang beses din siyang nakainom ng tubig. hehe. Btw, this is my daughter's first swimming experience. Kaya memorable! Kaya thanks to my friend! muah!

Kaya eto, tulog na siya kasi pagod na pagod. Ako din medyo pagod na. Medyo nagpahinga lang ako bago matulog. May pasok na naman kasi bukas eh..haay


Posted by pauiej at 9:17 PM | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment