my heart's desires

Desperate Doctors?

Friday, October 5, 2007

Haay, parami na yata ng parami ang lumalait sa mga kapwa kong Pinoy ah. Meron dyang dayuhan, meron din naman kapwa Pinoy. Ke propesyunal o hindi propesyunal nilalait. Ganun na ba talaga ang impression sa atin ng ibang tao? Na tayo'y pawang mga "losers". Na wala nang pwedeng ipagmalaki? Na hindi kailanman angat sa iba?

Nung una, as far as I remember, nilait ng mismong Pinoy na si malu fernandez ang mga DH na galing sa Middle East. Shempre lahat don nagreact. Shempre nagalit ang mga naapektuhan. Matagal tagal din itong pinag-aralan para lang maayos ang issue. To the point na nagresign na si babsy sa trabaho para lang mapatunayan na she's sorry and she's sincere of it.

Ngayon naman, kelan lang naipalabas sa tv show na Desperate Housewives ang ginawang panlalait sa mga Filipino Doctors naman. Bakit ganun? Parang hindi naman narerecognize ang galing ng mga Pinoy. Bakit kada may panget o masagwang description, Pinoy lagi ang example. Kung hindi mga bayarang babae, mga OFW, mga bobo naman daw ang doctor dito. Masakit yun ah. Kasi im a Filipino. And im hurting for those comments. Kung hindi ka Japayuki, kung hindi ka domestic helper, kung hindi ka bobo sa english, bobo ka sa ibang bagay. Ano ba naman yun? Of all the countries, Philippines pa ang napili nilang bigyan ng mga ganong komento. Kaya nakakaawa yung mga Pinoy na nasa ibang bansa e. Minsan naapi sila. Makagawa man sila ng maganda, di naman narerecognize. Madali rin nakakalimutan. Haaay. Bakit nga ba ganun ang tingin ng buong mundo sa atin. Bakit pag pangit na trait, buong bansa ang kadamay. Pero pag maganda, yung tao na lang na yun ang kadamay. Parang si Pacquiao. Kahit sabihin niya pang dala niya ang pangalan ng Pilipinas, siya lang naman ang kilala ah. Siya lang ang sikat. Siya lang ang magaling. Pero yung iba, wala na. Basura na.

Katulad din nung iba pa. Like yung mga singer ng Pussycat dolls, sugababes, wrestler na si Batista, chef ng white house, designer na si Monique Lhuillier, atbp. Siguro nga nakakatulong sila. Pero nakatulong nga ba? Still ganon pa rin ang tingin ng karamihan sa mga Pinoy. Di ko maubos maisip nga kung bakit ganon. Bakit nga kaya?

Ngayon kaya anong gagawin nilang hakbang sa pangyayaring ito? Gusto din ba nila magresign ang writer, magquit ang actress, tigilan ang show? I bet kung pakinggan ang mga request nila. Kung oo, eh di good. Eh pano kung ibasura? Nakakaawa lang.

haay…

Posted by pauiej at 1:56 PM | permalink | Add comment