my heart's desires

rainy weekend

Sunday, September 30, 2007

nonstop raining this past weekend. Hence, we still went out to feed our bored asses.

Last Friday, I was on leave from work. My mom has to attend to something important that's why no one would look after my little girl. So napa-absent ako ng wala sa oras. It was a sure bonding moment with her. I decided to bring her sa mall to stroll around. Medyo gloomy na yung weather, pero dahil sa wala kaming magawa na magnanay, naggala kami. First stop was at St Francis Square tiangge to scout some cheap thrills. Pero wala kami nakita. We had lunch at KFC. Tapos we paid the utility bills na rin at the same time para isang lakaran na lang at isang ubusan na rin ng sweldo hehe. Nagpunta rin kami sa Toy Kingdom, newly renovated siya at ang ganda na ngayon. Tuwang tuwa ang bata sa mga naglalakihang stuff toys na nakadisplay. Parang mga totoo. May lion, tiger, giraffe, panda, kangaroo, etc. Kaya tuwang-tuwa din siya. At eto na ang pinakahihintay kong pagod moments. Ang bata, ayaw na magpakarga. Gusto lagi lakad ng lakad. Imagine nalakad niya ang buong 5th flr from Bldg A to Bldg B ng megamall? Hay naku..nawili maglakad. Mga 3 pm we decided to go home na rin baka kasi lumakas ang ulan at ma-stranded pa kami. Mahirap na. Pagdating namin sa bahay natulog kami. Para kasi kaming pagod na pagod.

Nung gabing iyon, wala akong magawa. Di pa makatulog. So while Janea was asleep, I decided to clean the house. Yes. Some found it weird and said addict ako, pero totoo. Naglinis ako ng bahay at 11PM. Una, nagdefrost ako ng ref. Then nagpunas ako ng walls at sahig. Nilinis ko yung CR. Dapat nga maglalaba pa ako, pero hindi ko na carry. Inayos ko na lang labahan para pipick-upin na lang nung taga-laba sa amin. Ayan, pagod na pagod ako. Natapos ako near 2AM na. Di pa rin ako dinalaw ng antok. Talked with someone pa over the phone!! Aba, puyatan talaga. Natulog ako siguro mga 4 am na. At goodluck coz Janea was making kulit na at 7 am. Haay..

Saturday I brought Janea to her pedia. She had her Hepa A vaccine. Tapos we met her dad at Galleria then we're off to Greenhills. Papagawa kasi ni Bon yung PS2 niya. Tapos kain na rin kami dun. After that punta rin kami ng megamall to buy some stuff para sa bahay. Ayun, uwi rin kami maaga since nag-uulan nga that day.

Sunday punta na naman kaming megamall. Di naman kami gala no! Kasi naggrocery kami. Ayun, sandali lang naman. Then nagmass na rin kami sa 5th floor. Hay naku, si Janea napaka-kulet! Nilalaro nung mga bata don so play-play lang sila. Ang kulet grabe. Ayaw talaga niya magpakarga na. Gusto maglakad! Ang ingay-ingay don, nakakahiya hehe. Gala lang ulit ng konti at punta ng Toy Kingdom. Binilhan ko siya ng celfone na laruan.. Ayun daldal ng daldal akala mo may kausap. Mautak nga eh, nung nakita yung celfone ko, binitiwan yung laruan. hehe. Im planning to buy her a doll house this Christmas, gift ko sa kanya. Wala lang. Kasi dati dream ko magkaron ng dollhouse eh syempre di naman kami ganun kayaman so hindi ako nagkaron.. (anuba?! magsenti daw ba) kaya nga ang sabi ko, lahat ng di ko naranasan, sa anak ko na lang. O kaya lahat ng naranasan ko, gusto ko rin maranasan niya, or mas higit pa. (senti nga).

So ayun, bukas Monday na naman. Sana maulan pa ulit baka magpa-work from home. hehe

Posted by pauiej at 9:17 PM | permalink | comments[1]