my heart's desires

Marimar fever

Tuesday, September 25, 2007

Nakakatawa tong umaga na to. Pano ba naman, sobrang kaadikan ko sa Marimar eh hanggang sa panaginip eh napapanood ko sya! Sabihin nyo ng jologs, corny, o kung ano pa. Pero gusto ko yung Marimar eh. O talagang wala lang ako mapanood pag gabi. Ah basta. Gusto ko sya. Wla pa nga ako nami-missed na episode eh! hahaha! Pero di naman siguro aabot sa point na pupunta na ako ng mga fans day or sasali sa fans club ah. hehe! La lang, gusto ko lang yung story. At i think, bagay kay marian yung tanga-tangahan na role at bagay naman kay katrina ang kontrabida (showbiz muna: hindi nga yata bagay kay angel locsin ang role na yun).

Anyway gusto ko lang i-share yung panaginip ko kaninang umaga. Hay naku, laughtrip talaga. Medyo tinanghali na nga ako ng bangon dahil sa panaginip na yan. Buti na lang at hindi ako late. Anyway, ok na din yun, pampaganda ng araw.

Hint: Umalis kasi si Sergio papuntang Macau at iniwan nya si marimar. Pero nag-iwan sya kay Arturo ng celfone para ibigay kay marimar. Ngayon, ang bruhang si angelika eh nalaman kaya kinuha ang celfone. At timing pa na nabuking si Arturo na bakla kaya bina-blackmail siya ni Angelika. So si Sergio tawag ngayon kay arturo, tanong kung nabigay ba yung celfone, bakit daw lagi nakapatay.. ang mga sagot ni Arturo eh laging nakadepende kay Angelika. Kung ano sabihin ni Angelika na isagot niya, yun ang sasabihin nya kay sergio. In short, lagi paninira kay marimar ang nakakarating kay sergio. Eh di ngayon galit na sergio kay marimar. Hindi nya alam na aping-api na si marimar na iniwan niya.

Yan ang current story ng marimar sa ngayon. Dahil nga sa sobrang affected ko at asar ko dahil si marimar sobra nga ang pagkatanga at si angelika naman sobra ang pagkamaldita, sobrang dalang-dala ako sa story. Eto na ngayon ang role ko sa marimar (in my dreams) hehe:

Nakita ko daw yung celfone ni marimar which is 8310 pa nga (aba at talagang may unit pa) tapos sa sobrang awa ko kay marimar eh tinawagan ko daw si sergio! hahaha! laughtrip talaga. So nung nakausap ko daw si sergio eh sinabi ko ang lahat ng totoo. Na hindi naibigay yung celfone kay marimar at lahat ng pinagsasabi ni arturo ay pakana lang ni angelika. So ayun umuwi daw sa pilipinas si sergio at nakita nya si marimar nakakulong! (kasi pinakulong din sya ni angelika sa tv). At eto pang weird ha, nung nakausap ko daw si sergio eh nag-iintsik (ewan ko ba kasi nga nasa Macau sya so intsik sya?!) di ko lang alam kung pano kami nagkaintindihan. After that pagkikita ni sergio and marimar, nagising na ako sa alarm na ilang beses na yatang nag-snooze hehee!!!

So ayun pagkagising ko para akong lukaret na tawa ng tawa mag-isa. Habang inaalala ko yung mga nangyari sa panaginip ko eh natatawa ako. Sobrang adik na nga ako sa tv show na yun!

aaawww!


Posted by pauiej at 10:39 AM | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment