my heart's desires

tagged!

Tuesday, September 18, 2007

ive been tagged, for one of the oldest memes im seeing around blog landia. well, ive been thinking before what answers i will give to this "weird things" meme once I get tagged. And today is my chance.. And its so hard to think what weird things that I have in myself. Weird things i do, weird hobbies, mannerisms, etc.

I was asked to post 8. Why 8? Di ko alam hehe.

a. Pag natutulog ako gusto ko lagi nakakumot. Kahit super init na gusto ko may kumot pa rin ako. I dont know why but i feel protected pag nakakakumot. Minsan pag walang kumot, ginagawa ko na kumot yung bedsheet hehe. Ayoko kasi ng nakabuyangyang yung katawan ko habang natutulog. hehe

b. Mas gusto ko magsuot ng sira-sirang damit (pambahay ah). Yun bang napupunit na sa kalumaan at kanipisan hehe. Tapos yug mga garter eh nagkakanda-loose na dahil sa tagal na ginagamit. Lahat ng pambahay ko ganun. Ayoko talaga bumili ng bago. Bumili man ako eh di ko rin sinusuot.

c. Im not sure if this is weird pero mas gusto ko nakatapat yung electric fan sa paa ko. Minsan nakikipag-away pa ako sa katabi ko pag gusto nya sa ulo nakatapat eh gusto ko sa paa. Wala lang, feel ko nahahanginan na lahat pag sa paa nakatapat. Eh pag sa ulo, naiinitan yung paa ko eh.

d. Mahilig ako bumili ng magazines esp. Smart Parenting. Pero hindi ko naman binabasa. Natutuwa lang ako sa pictures siguro hehe.

e. Mahilig din ako bumili ng mga accessories like earrings, necklace, bracelets kahit na alam kong inaallergy ako pag nagsusuot ako ng ganon. Weird ba yun o sadyang gastadora lang ako.

stopped… pwede bang 5 na lang.. la na ko maisip eh hehehe.

cont:

f. Bakit kaya favorite ko ang horror movies pero pag nasa moviehouse na eh kulang na lang magtago ako para di ko mapanood ang mga eksena. Nandyan yung nakatakip ang tenga at mata.. Sabi nga nila, "nanood ka pa?"

g. Bakit kaya parang kulang ang araw ko pag hindi ako nakapagFriendster, Multiply at PEX? Pag galing kami sa lakaran, i make it a point na makakapag online ako pag may chance. Pero pag hindi naman, para bang hayok ako sa internet the next time na makapagonline ako. Tapos pag nabrowse mo na yung mga dapat mong i-browse, para bang fullfilled na ako at magooffline na.

h. last… Pag nag-iisip ako, nagsasalita ako mag-isa. Lalo na sa work. Halimbawa kung may tinotrouble-shoot akong mag-isa, sinasabi ko pa yung mga details habang nag-iisip ako. Pag ganon, mas madali ako makaisip ng solution. hehe. Loka-loka.

Ayan! natapos din. Medyo corny ang weird things ko na hindi naman talaga weird no. Wala kasi ako maisip ehe. Pero Im not tagging anyone, kasi sobrang luma na nitong meme na to. Kaya tatapusin ko na ang pagta-tag sa akin hehe

Posted by pauiej at 12:22 PM | permalink | Add comment