my heart's desires

weekend

Monday, September 3, 2007

Yesterday we fetched my mom at the airport. She's in Japan for 6 months to visit my aunts and to work also. She was so happy to see J even if ayaw pa sumama sa kanya at first. J even cried when we left her with mama to get a ticket for an airport taxi. But when mama gave J some of her pasalubong (which is lotsa sanrio hairclips, akala niya kasi hindi na kalbo si janea) J stopped crying. She was fond of those cutesy hairclips and candies given by mama. On our way home, mama kept uttering how fat i am!! She's insisting that I am on the way (to another baby) but I said no. Ang sabi ko, parang di na siya nasanay sa akin at tanong ko: "kelan ba ako pumayat?" ehe.

At home, mama gave me my pasalubong (i was just surprised because I didnt ask for those). They are my new gadgets: Casio Exilim and Sony Handycam. Woow! Ive been wanting to have a handycam eversince, pero di maisingit sa budget. And this is a real luxury come true! And for the digicam, im excited pa rin (kasi i have one na) kasi ang cute ng itsura niya, color pink and so slim. Kaya lang sabi ko sana Cybershot na lang (nagrequest pa?) hehe. Pero ok na rin.. Meron nga din siya ipod nano kaya lang nahihiya naman ako hingin (as you know, nadukot kasi ng "bag slasher" yung ipod ko huhuhu). She also gave me and Ryan perfumes. And for Janea, she had her a piano with stand, chair and mic. Parang pam-banda eh hehe.

Pag-uwi sa bahay tyempo naman na-deliver yung cabinet na binili namin. Aba! Aba! Aba! ang manong na nagdeliver nagmamaasim. Bakit daw namin pinadeliver ng naka-assemble eh ang liit liit daw ng pinto namin including yung daan papasok sa tinitirhan namin. At mukha pang iiwan yung cabinet sa may pinto at hindi man lang ipinasok sa bahay. Eto ang eksena:

"Misis, bakit nyo ho kasi pinadeliver ng naka-assemble eh ang sikip sikip pala dito sa inyo, hirap na hirap kami magbuhat?!!" Galit na tono at may plano pang iwan yung cabinet sa labas ng bahay.

"Eh manong pasensya na kasi kasya naman ho diba?" Mabait pa ako niyan. Pero nagtaka na dahil paalis na si manong. So nag-init na yung ulo ko

"Hoy manong sino akala nyo magpapasok nito? Ipasok nyo naman!" Eh di balik si manong.. Pero with matching bulong bulong pa on the side.

"Nako manong nadala niyo na nga ho, nandito na..ipapasok nyo na lang. Humingi na nga ng pasensya eh! Tsaka huwag ho kayo magreklamo dahil trabaho niyo yan" Pahabol ko pa.

Hay naku. Kagigil. Pero after that, napalitan ng excitement sa pag-aayos ng gamit yung inis ko. hehe.


Posted by pauiej at 12:26 PM | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment