rainy weekend
Sunday, September 30, 2007nonstop raining this past weekend. Hence, we still went out to feed our bored asses.
Last Friday, I was on leave from work. My mom has to attend to something important that's why no one would look after my little girl. So napa-absent ako ng wala sa oras. It was a sure bonding moment with her. I decided to bring her sa mall to stroll around. Medyo gloomy na yung weather, pero dahil sa wala kaming magawa na magnanay, naggala kami. First stop was at St Francis Square tiangge to scout some cheap thrills. Pero wala kami nakita. We had lunch at KFC. Tapos we paid the utility bills na rin at the same time para isang lakaran na lang at isang ubusan na rin ng sweldo hehe. Nagpunta rin kami sa Toy Kingdom, newly renovated siya at ang ganda na ngayon. Tuwang tuwa ang bata sa mga naglalakihang stuff toys na nakadisplay. Parang mga totoo. May lion, tiger, giraffe, panda, kangaroo, etc. Kaya tuwang-tuwa din siya. At eto na ang pinakahihintay kong pagod moments. Ang bata, ayaw na magpakarga. Gusto lagi lakad ng lakad. Imagine nalakad niya ang buong 5th flr from Bldg A to Bldg B ng megamall? Hay naku..nawili maglakad. Mga 3 pm we decided to go home na rin baka kasi lumakas ang ulan at ma-stranded pa kami. Mahirap na. Pagdating namin sa bahay natulog kami. Para kasi kaming pagod na pagod.
Nung gabing iyon, wala akong magawa. Di pa makatulog. So while Janea was asleep, I decided to clean the house. Yes. Some found it weird and said addict ako, pero totoo. Naglinis ako ng bahay at 11PM. Una, nagdefrost ako ng ref. Then nagpunas ako ng walls at sahig. Nilinis ko yung CR. Dapat nga maglalaba pa ako, pero hindi ko na carry. Inayos ko na lang labahan para pipick-upin na lang nung taga-laba sa amin. Ayan, pagod na pagod ako. Natapos ako near 2AM na. Di pa rin ako dinalaw ng antok. Talked with someone pa over the phone!! Aba, puyatan talaga. Natulog ako siguro mga 4 am na. At goodluck coz Janea was making kulit na at 7 am. Haay..
Saturday I brought Janea to her pedia. She had her Hepa A vaccine. Tapos we met her dad at Galleria then we're off to Greenhills. Papagawa kasi ni Bon yung PS2 niya. Tapos kain na rin kami dun. After that punta rin kami ng megamall to buy some stuff para sa bahay. Ayun, uwi rin kami maaga since nag-uulan nga that day.
Sunday punta na naman kaming megamall. Di naman kami gala no! Kasi naggrocery kami. Ayun, sandali lang naman. Then nagmass na rin kami sa 5th floor. Hay naku, si Janea napaka-kulet! Nilalaro nung mga bata don so play-play lang sila. Ang kulet grabe. Ayaw talaga niya magpakarga na. Gusto maglakad! Ang ingay-ingay don, nakakahiya hehe. Gala lang ulit ng konti at punta ng Toy Kingdom. Binilhan ko siya ng celfone na laruan.. Ayun daldal ng daldal akala mo may kausap. Mautak nga eh, nung nakita yung celfone ko, binitiwan yung laruan. hehe. Im planning to buy her a doll house this Christmas, gift ko sa kanya. Wala lang. Kasi dati dream ko magkaron ng dollhouse eh syempre di naman kami ganun kayaman so hindi ako nagkaron.. (anuba?! magsenti daw ba) kaya nga ang sabi ko, lahat ng di ko naranasan, sa anak ko na lang. O kaya lahat ng naranasan ko, gusto ko rin maranasan niya, or mas higit pa. (senti nga).
So ayun, bukas Monday na naman. Sana maulan pa ulit baka magpa-work from home. hehe
Marimar fever
Tuesday, September 25, 2007Nakakatawa tong umaga na to. Pano ba naman, sobrang kaadikan ko sa Marimar eh hanggang sa panaginip eh napapanood ko sya! Sabihin nyo ng jologs, corny, o kung ano pa. Pero gusto ko yung Marimar eh. O talagang wala lang ako mapanood pag gabi. Ah basta. Gusto ko sya. Wla pa nga ako nami-missed na episode eh! hahaha! Pero di naman siguro aabot sa point na pupunta na ako ng mga fans day or sasali sa fans club ah. hehe! La lang, gusto ko lang yung story. At i think, bagay kay marian yung tanga-tangahan na role at bagay naman kay katrina ang kontrabida (showbiz muna: hindi nga yata bagay kay angel locsin ang role na yun).
Anyway gusto ko lang i-share yung panaginip ko kaninang umaga. Hay naku, laughtrip talaga. Medyo tinanghali na nga ako ng bangon dahil sa panaginip na yan. Buti na lang at hindi ako late. Anyway, ok na din yun, pampaganda ng araw.
Hint: Umalis kasi si Sergio papuntang Macau at iniwan nya si marimar. Pero nag-iwan sya kay Arturo ng celfone para ibigay kay marimar. Ngayon, ang bruhang si angelika eh nalaman kaya kinuha ang celfone. At timing pa na nabuking si Arturo na bakla kaya bina-blackmail siya ni Angelika. So si Sergio tawag ngayon kay arturo, tanong kung nabigay ba yung celfone, bakit daw lagi nakapatay.. ang mga sagot ni Arturo eh laging nakadepende kay Angelika. Kung ano sabihin ni Angelika na isagot niya, yun ang sasabihin nya kay sergio. In short, lagi paninira kay marimar ang nakakarating kay sergio. Eh di ngayon galit na sergio kay marimar. Hindi nya alam na aping-api na si marimar na iniwan niya.
Yan ang current story ng marimar sa ngayon. Dahil nga sa sobrang affected ko at asar ko dahil si marimar sobra nga ang pagkatanga at si angelika naman sobra ang pagkamaldita, sobrang dalang-dala ako sa story. Eto na ngayon ang role ko sa marimar (in my dreams) hehe:
Nakita ko daw yung celfone ni marimar which is 8310 pa nga (aba at talagang may unit pa) tapos sa sobrang awa ko kay marimar eh tinawagan ko daw si sergio! hahaha! laughtrip talaga. So nung nakausap ko daw si sergio eh sinabi ko ang lahat ng totoo. Na hindi naibigay yung celfone kay marimar at lahat ng pinagsasabi ni arturo ay pakana lang ni angelika. So ayun umuwi daw sa pilipinas si sergio at nakita nya si marimar nakakulong! (kasi pinakulong din sya ni angelika sa tv). At eto pang weird ha, nung nakausap ko daw si sergio eh nag-iintsik (ewan ko ba kasi nga nasa Macau sya so intsik sya?!) di ko lang alam kung pano kami nagkaintindihan. After that pagkikita ni sergio and marimar, nagising na ako sa alarm na ilang beses na yatang nag-snooze hehee!!!
So ayun pagkagising ko para akong lukaret na tawa ng tawa mag-isa. Habang inaalala ko yung mga nangyari sa panaginip ko eh natatawa ako. Sobrang adik na nga ako sa tv show na yun!
aaawww!
Birthday Celebrations
Sunday, September 23, 2007This weekend was full of birthday celeb. Yesterday, we attended 2nd birthday of MJ, Janea's playmate sa dati naming haus. We gave her a dress and a Winnie the Pooh stuff toy. Janea only ate hotdogs since its her favorite. And since she can walk, she loved playing with other children at the party. I just noticed that my baby is like friendly. Sa mga matatanda shy sya. Pero sa kapwa nya kids, playful siya. Kini-kiss nya at hina-hug. Gusto niya makipaglaro. Sabik siguro sa kalaro dahil wala nga kids sa bahay.
Pagkatapos namin sa party, naglaro kami ng Nintendo Wii. Dala ng tita ko from Japan. Sarap nga laruin kasi parang real time. Kunyari pag tennis, para kang naghahataw ng raketa or naghahagis ng bola pag bowling. Meron ding boxing na para ka talagang sumusuntok. Nakakatuwa! Pwede siyang pang-exercise at the same time kasi gagalaw ka talaga. Sumakit nga ang braso ko sa tennis eh hehehe! Astig talaga. After nun, natulog na rin kami ng maaga kasi maaaga din kami nagising nung umaga tsaka medyo napagod din sa party.
Sunday, gising na naman ng maaga. Usual routine, breakfast, ligo, nood tv. Naglakad-lakad din kami ni Janea sa kalsada kasi medyo warm naman ang weather nung umaga. Lunch time nakaluto na sila so we ate na rin. Dumating si Bon mga lunch time. Medyo marami din niluto like spaghetti, pininyahang manok, kalderetang baka, hamonado, lumpiang sariwa..sarap! daming food! Wala nga lang cake, ice cream lang. late afternoon, dating na bisita ng lola ko. Then mga 7 pm we decided to go home na kasi we're tired na rin. Nakatulog na nga si J sa byahe eh. Pagdating sa bahay, im excited to upload the pictures. Kaya ayun, sinabay ko na rin ang pagblog.
Tomorrow may pasok na naman.. Haaay.. I hate Mondays talaga.
May maikwento lang..
Saturday, September 22, 2007hello po! Good morning to all my readers! Kung meron man :p Wla kasi ako magawa so I decided to write a post. Kaya ganyan ang title eh wala naman highlight tong post na to. Gusto ko lang magsulat. Well Im here with my baby and she's here beside me. Kanina lang natutulog siya kaya ko na-setup ang laptop. Pero nagising na rin at buti hindi pa nangungulit.
We woke up mga 7:30 at I treated her for a Jollibee breakfast. Meron na pala yung Bratz toys sa Kiddie Meal kaya yun ang inorder ko. Kinuha ko yung shades. Tuwang tuwa ang bata na sukat-sukatin ang shades while eating her Macaroni soup. After that, nung papunta na kami sa sakayan ng tricycle (walking distance lang from Jollibee) I let her wear the shades. Aba at feel na feel ng bata! Di talaga nya tinatanggal. Kaya naman yung mga tao eh natatawa pag nakikita siya. Hanggang makarating kami sa haus dun nya lang tinanggal. Tapos napagtripan ko syang lagyan ng clip kasi medyo mahaba na hair nya. Naging instant girl ang baby ko! Balak ko nga later sa birthday party eh lalagyan ko rin sya ng clip.
Then habang tulog ang baby ko eh sinamantala ko ang pagwawalis at pagdadusting. Grabe talaga. Ang dami ko na naman buhok na nawalis! Before nung naglalagas yung buhok ko, sabi nila its normal sa mga kakapanganak pa lang. As in sobrang dami ng strands na nalalagas! Pero up to now, im wondering if its still normal? Kasi 15 months na since I gave birth pero ganun pa rin. I also tried GUGO, Pantene hair fall control, etc.. Pero wa effect!!! Nakaka-inis tuloy kasi pag nagpony ako ng hair, dami nakatayo kasi nga tumutubo yung mga bago kong hair..And its so annoying!!! Ano bang dapat kong gawin? Minsan after ko maligo sa labas ako ng bahay nagsusuklay kasi nga ang dami nalalagas. Ayoko ng maraming buhok nakakalat. Ayoko ng madumi. That's why. Please help and advise! Balak ko na nga magpa-relax ng buhok kasi para kahit nakalugay lang eh maayos tingnan. O kaya hairspa. I dont get regular hotoil pero yun ba ang solusyon? haay..
Ayan gising na baby ko at nangungulit na.. Blog na lang ulit ako next time.
J at 15 months
Friday, September 21, 2007whew! i missed my baby so much! kanina i fetched her sa haus and i was so surprised with her new "shows". She can really walk alone! As in im not that so worried that she might stumble and fall. She walks like a pro! She walks around the sala, as in pabalik-balik! Gaaad im so happy to see her walking!! Then my grandpa teases her with "naku ang yabang oh" then my baby will walk more! Paikot-ikot pa as if nagpapasikat habang kinakantyawan. She can also eat snacks (Breadstix) like a real toddler! Dati kasi sinusubuan ko pa sya and now she eats alone. One week away from my daughter is really something! I am really amazed! She walks a lot, she dances a lot! Im super happy! Now my baby is a toddler! coz she's walking na. hahaha!
Tomorrow we'll be attending a birthday party, 2nd birthday ng playmate ni Janea.. Then on Sunday its my cousin's and lola's birthday celebration (their birthday on the 24th). Tuesday will be my bro's. Another cousin on the 30th. Marami nagbi-birthday sa amin during month of September. Kaya lagi may celebration. Next celebrant will be Bon which is on November, and me on DECEMBER. Yey! lapit na rin birthday ko, and lapit na rin pasko.
Haay see how time flies? Parang kelan lang pasko tas now magpapasko na naman. And the real proof that time flies really fast is my little girl! Just about a year ago when I gave birth to her and now, she's so kulet na! But I dont wanna think of time that she'll grow up, get married and leave me. For now, I'll cherish the moments with her. As soon as makakuha ako ng yaya, I wont allow her to be far away from me. Not ever.
tagged!
Tuesday, September 18, 2007ive been tagged, for one of the oldest memes im seeing around blog landia. well, ive been thinking before what answers i will give to this "weird things" meme once I get tagged. And today is my chance.. And its so hard to think what weird things that I have in myself. Weird things i do, weird hobbies, mannerisms, etc.
I was asked to post 8. Why 8? Di ko alam hehe.
a. Pag natutulog ako gusto ko lagi nakakumot. Kahit super init na gusto ko may kumot pa rin ako. I dont know why but i feel protected pag nakakakumot. Minsan pag walang kumot, ginagawa ko na kumot yung bedsheet hehe. Ayoko kasi ng nakabuyangyang yung katawan ko habang natutulog. hehe
b. Mas gusto ko magsuot ng sira-sirang damit (pambahay ah). Yun bang napupunit na sa kalumaan at kanipisan hehe. Tapos yug mga garter eh nagkakanda-loose na dahil sa tagal na ginagamit. Lahat ng pambahay ko ganun. Ayoko talaga bumili ng bago. Bumili man ako eh di ko rin sinusuot.
c. Im not sure if this is weird pero mas gusto ko nakatapat yung electric fan sa paa ko. Minsan nakikipag-away pa ako sa katabi ko pag gusto nya sa ulo nakatapat eh gusto ko sa paa. Wala lang, feel ko nahahanginan na lahat pag sa paa nakatapat. Eh pag sa ulo, naiinitan yung paa ko eh.
d. Mahilig ako bumili ng magazines esp. Smart Parenting. Pero hindi ko naman binabasa. Natutuwa lang ako sa pictures siguro hehe.
e. Mahilig din ako bumili ng mga accessories like earrings, necklace, bracelets kahit na alam kong inaallergy ako pag nagsusuot ako ng ganon. Weird ba yun o sadyang gastadora lang ako.
stopped… pwede bang 5 na lang.. la na ko maisip eh hehehe.
cont:
f. Bakit kaya favorite ko ang horror movies pero pag nasa moviehouse na eh kulang na lang magtago ako para di ko mapanood ang mga eksena. Nandyan yung nakatakip ang tenga at mata.. Sabi nga nila, "nanood ka pa?"
g. Bakit kaya parang kulang ang araw ko pag hindi ako nakapagFriendster, Multiply at PEX? Pag galing kami sa lakaran, i make it a point na makakapag online ako pag may chance. Pero pag hindi naman, para bang hayok ako sa internet the next time na makapagonline ako. Tapos pag nabrowse mo na yung mga dapat mong i-browse, para bang fullfilled na ako at magooffline na.
h. last… Pag nag-iisip ako, nagsasalita ako mag-isa. Lalo na sa work. Halimbawa kung may tinotrouble-shoot akong mag-isa, sinasabi ko pa yung mga details habang nag-iisip ako. Pag ganon, mas madali ako makaisip ng solution. hehe. Loka-loka.
Ayan! natapos din. Medyo corny ang weird things ko na hindi naman talaga weird no. Wala kasi ako maisip ehe. Pero Im not tagging anyone, kasi sobrang luma na nitong meme na to. Kaya tatapusin ko na ang pagta-tag sa akin hehe
its been a week!
Monday, September 17, 2007its been 1 week (almost) since i last posted here. Pano wala naman nangyari masyado. Same routines, activities, etc. Last Friday I fetched Janea sa haus. Oh how I missed my baby! From the moment she saw me sa pinto pa lang, abot tenga na ang ngiti ng bata
Talon ng talon, tuwang-tuwa! Hayy..what a lovely sight. If I do only have a choice. Id love being a SAHM.. but the chances right now does not permit me to. I have to work my ass off so hard just to provide for her needs. Me and her dad. We just wanted her to have the best. If not much, then just enough. I wanted her to reach what I have right now. Or mas higit pa don. Me, I can have whatever I want. I finished studies, I have a better job. Sana sya ganun din. Or like I said, mas higit pa.
Anyway mushy na namn ako. Nung saturday, nag-aya si mama na magmegamall kasi bibili sya ng external modem para sa laptop nya. Kumain kami sa Luk Yuen at bumili ng pizza for pasalubong. Karga ko lang J the whole time. Ay nako goodluck sa kabrasuhan ko at ngalay na ngalay. Ayaw naman magpababa. Diyos ko. Ang takaw-takaw, dami nakain na rice at chicken. Gusto nya yung Yang chow. Pero nagwala over iced tea. Kaya no choice at pina-sip namin ng konti..
Yun lang latest..wala naman nangyari. Dapat mamamasyal kami sa Trinoma. kaya lang nagbago isip ko kasi dami pa daw closed na store. Tsaka na lang siguro. Baka dun na lang ako mamili ng pamasko. hehe! Kasi i heard soon to open ang Zara. Eh diba im planning to buy nga shoes for J sa zara. Eh kasi ang cute ng mga shoes don for kids. Kahit mahal, minsan lang nman eh. Tsaka pasko naman.
Speaking of Christmas, naku san kaya mamasko si J this year. At wala naman siyang matinong ninong/ninang. Hay naku. Sana pwede ulit magpabinyag. *sigh*
i miss my baby
Wednesday, September 12, 2007missin Janea so much. dun kasi siya natutulog sa house namin dati kasi mama ko ang nag-aalaga sa kanya since yung loka-loka nyang yaya eh di ko na nga pinabalik. Eh ayoko naman na matulog don kasi medyo malayo na nga at ayoko na magtaxi papasok sa office. Kaya nagtyatyaga ako matulog ng mag-isa sa bahay since Bon has work sa gabi. Di bale sa Friday kukunin ko na siya at magkakasama na kami ulet.
Hayy, hirap mapalayo sa anak ko.. miss ko na siya
countless iloveyou’s
Monday, September 10, 2007would like to share with you a poem that I made this morning
**************************************
Every morning when we wake up
You'd always hear me say "I love you anak"
You may not understand it for now
But im sure I really meant it somehow
In the middle of our playtime
I always love to hug you so tight
Reminding you how much you are loved
And you're the greatest gift from God above
I just hope and pray our love could nourish you
To be one good child and respectful too
Be brave enough for the jokes of life
God is with us for you to get by
Someday you may forget the things we do
But baby dont forget how much we love you
Even that raising you isnt that easy
You're still the best thing that ever happened to me.
This countless I love yous you always hear
It's mommy's way to say not to have fear
As me and daddy is always at your side
To hold and guide you for the rest of our lives
***************************************
kwento: Janea was so clingy to me this morning nung paalis na ako ng house. She even waved bye bye to her dad akala niya kasi sasama siya sa akin. She cried nung umalis na ako. Ibang klase kasi ang bonding namin mag-ina during weekends. Dun ko lahat buhos pagkukulang ko ng weekdays dahil nagwowork ako. Kaya tuwing Monday morning, pahirapan kami maghiwalay
Kaya ayun habang iniisip ko siya nung nasa fx ako going to work, nakapagcompose ako ng tula type ko muna siya sa celfone ko tapos edit ko na rin pagdating dito sa office. Medyo mababaw lang wordings ko pero I really meant it
my little girl is sick
Thursday, September 6, 2007Monday afternoon when I heard from my mom that Janea has fever. I was bit worried agad kasi paranoid ako na baka dengue yun or something serious. Pagdating ko naman sa house kinagabihan, medyo masigla pa rin siya yun nga lang may sinat. Tuesday - Di na ako pumasok kasi may lagnat pa rin so I brought her to her pedia na. Ang sabi ng dr. eh may tonsilitis na naman siya. Medyo madalas nga daw kasi at her age, sobrang baby pa niya para mamaga ang tonsils. So sinisi ko ang sarili ko kasi I cant refuse to say no when she asks chocolate and minsan napapainom ng cold water at cold yakult. (bad mommy i know) kaya ayun kaya ang sabi ko sa sarili ko never again. Baka kung ano pang complications ang mangyari. Binigyan siya ng antibiotics pero the whole day di naman nawala ang fever.
Tuesday night, lalo tumaas ang fever (no less than 39. highest was 39.9) We were all alone sa haus coz wala ang yaya (different story) and daddy pumasok. Natatakot ako kasi panay ungol niya and baka kako nagkokombulsyon. So hindi rin ako makatulog ng maayos kasi nga baka any moment eh bigla magkombulsyon. Pahirapan din ako magpainom ng gamot kasi everytime na pinapainom ko ng gamot eh sinusuka niya. Talagang awang awa ako sa baby ko. I was crying na nga nung madaling araw kasi ang init init na niya. Halos ayaw na rin niya magmilk. Pag nakikita na nya yung gamot umiiyak siya.
Wednesday morning di pa rin ako pumasok, my mom came sa haus at ang sabi ipapahilot daw si Janea. So after mahilot ang galing, nawala ang fever niya! As in nawala. According to the manghihilot, may pilay nga daw. Pero medyo matamlay pa rin at nanlalambot. Medyo clingy pa rin sa akin. At ayaw pa rin magmilk, at tulog lang ng tulog. So ayon the whole day wala na siya fever. And I thank God for that.. i thank the hilot too.
Right now, im here at work. Tawag ako lagi sa house to check on my baby. Ok na daw siya at no fever at all. Medyo makulit na rin at nagbabawi ng lakas. Thank God talaga.
YAYA KWENTO: hay naku im talking about my yaya na kinwento ko rin before dito (please check wanted: yaya post). Nung Monday nagdayoff na naman siya. Since yun ang kauna-unahang dayoff nya since she returned to us, so I allowed it to be overnight na naman. Aba! di naman bumabalik til now. Naku, Im expecting for another imbentong story na naman when she comes back. But this time she'll be back for her things na lang. Ayoko na. Sawa na ako. Para bang she's thinking na i needed her so much na kung kahit ano gusto niyang gawin pwede at kahit magalit ako, i cant let her go. Parang ganun. Taking advantage ba. So regardless of her whatever reasons, she's out. Inis na ako sa kanya. Madami pa dyan na mas ok sa kanya no. Good thing my mom's there to look after Janea while bon and I are at work.
looking for?
the past
Sponsored Links
common thing
in my words....
God-fearing. 23 year old young lass. A mother to a ever sweet angel named janea. A partner to Bon. Good loving daughter to my parents and a freaking sister to my lil bro. I love to take pictures. i love my friends even my enemies. i love lurking around, pigging out and to sleep. I love writing my ideas and experiences which explains my countless blogs. i love the net. i love everybody. I have a heart for the less fortunate and for the elders. I love exploring things. I hate surprises. Pessimistic. IT slave. perfume addict. Shopping galore. beach babe wannabe. THAT'S ME.
Most Popular
- Wanted: Yaya (1041)
- super late reaction about Malu Fernandez (815)
- Talk about diapers (757)
- Marimar fever (663)
- friendster photos (531)
I love...
my buddies
blab..
- pauiej: Edregin, i forgot, nakuha ko...
- pauiej: Hi Daiz, dun naman sa...
- edregin: Hi! Impressive nga ang new yaya...
- Daiz: Good for you, you found...
- Josiet: Kainggit! ang dami nyong gala...
- pauiej: Hi Josiet, sure exchange links!...
- Josiet: Aha! Kaw pala si pau...the...
- pauiej: Oo nga Daiz ang hirap...
- Daiz: Hope you'll soon find a...
- jaren: i also thought na mura...
let's chat!
- pen:
thanks for this entry! kakain din kami sa agave soon! LOL thanks to you
- ganda ko:
- grace:
hi there! bloghopping. exchange links?
- delish:
oist sis, update update! :p
- Natalie:
Hello! I’m a GT, too. Just checking out your site.
- Chi:
hi pauline. just updated my links and added you on my lists. tc!
- pauiej:
Mec oo nga eh! Thanks!
- delish:
nakow ganda, good luck nga w/ the new yaya
- pau:
Hi Chi, thanks!
- Chi:
hi. just blog hopping
- pau:
mec! oo adik talaga ako sa chat hehe!
- delish:
ala ka nga patawad sa chat sis :p
- pau:
this is the perfect template! im keeping this!
- pau:
Karet hahaha! sex appeal ba? baka lagim kamo
anyway, i decided to let it pass for now.. i just hope i did the right thing
- karet:
lola i-hide mo lang un recent photo’s sa edit options. ;p btw, pagkakataon mo na mgkalat ng sex appeal abroad y not?! hehehe.
- queenb:
yes mami..link ntn each other..hehehe
- PAU:
Haze, oo nga e! sana next time mas marami na
- mommy haze:
ang saya ng eb natin!! sa uulitin ha!
- pau:
heya guys! lets chat!
- pauiej:
vhelle, no problem.. link me up too








