my heart's desires

Wanted: Yaya

Monday, July 16, 2007

Naiinis ako sa yaya ni Janea. Nagpaalam magde-dayoff last Saturday and promised to be back Sunday evening. Pinayagan ko since hindi na nga siya nakaalis for the last 3 weeks (which is her decision na wag magday-off). Tutal sabi ko hindi na siya nagdedayoff so I allowed her to go overnight.

Sunday came and no yaya showed up. I was patiently waiting for her call (she knows our number) to advise na baka male-late siya. Pero walang tawag na natanggap. I still expected her to arrive until midnight pero wala.

Kaninang umaga, akala ko nandyan na. Pero wala pa rin. Dito na uminit ang ulo ko, pinag-usapan na namin yun before (when she did this the first time - yes, this is 2nd already) na its ok kung magtagal sa dayoff as long as valid yung reason at basta magpapasabi. Hindi yung sasabihin na Sunday babalik, naghintay ako ng Sunday, ni tawag wala. And that's what pisses me off.

When she did it first time, she was 5 days away. Walang text or tawag kqming nqtanggap. I was already looking for a replacement when she arrived. Ang sabi niya nagkasakit daw siya. So I understood (pero naghinala din ako kasi di naman siya mukang nagkasakit) pero pinabalik ko pa rin siya. Ang sabi ko sa kanya, ok lang valid naman coz she got sick. Pero ang ayaw ko lang is yung naghihintay pala kami sa wala. Ano ba naman yung tumawag siya sa bahay or mag-utos siya to call us. Ayoko sa lahat yung magsasabi ka ng di mo naman tinutupad. As if hindi kami amo. Parang ang feeling ko dahil sa sobrang bait ko sa kanila eh inaabuso nila. Its like "ok lang naman kay ate, di naman nagagalit yan". Kainis.

So ngayon, nakapag-leave ako ng wala sa oras dahil wala mag-alaga kay Janea. I cant leave to my lola alone. Bon has work and cannot afford a leave yet coz he's just starting. So bukas, anong gagawin ko?

If ever dumating yung yaya niya this day. I would never know what to do


Posted by pauiej at 11:52 AM | permalink

Previous Comments

alam mo bang ganyan din yung yaya ni kyle dati? hay naku sakit talaga sa ulo… as in abuso siya sa day off niya. may one time pa nga na nagpaalam mag day off ng saturday, bumalik monday night. ang sabi eh bumalik siya sa dati niyang amo kasi naglaba daw siya para sa kanila. kamusta naman yun!!

buti na lang wala na siya sa amin…

btw, anong name ng yaya ni janea? baka yan din yung dating yaya ni kyle (wag naman sana..)

Posted by mommy haze at July 16, 2007, 6:24 pm

Mommy Haze her name’s Angie. Anyway, tumawag na daw siya knina acdng to hubby and kukuhanin na daw yung ibang damit na natira at hindi na daw babalik dito. Reason is namatayan daw ng kamag-anak. haayy sana nga totoo yung reason niya, dahil ang sama talaga if in case palusot niya lang yon. So wala na ako nagawa…Now I am looking for a new one na naman…

Posted by pauiej at July 16, 2007, 8:09 pm

Haay, the problem talaga with househelp these days, mahirap talaga maka hanap ng reliable. Naaabuso ang kabaitan.

That’s why I always thank our lucky stars for our Yaya Rose. She has been taking care of Isaac (and us!) since our baby was a day old. Swerte talaga kami sa kanya and I like to think na swerte rin sya sa amin. Sana sa amin na sya. Stories like this, kasama na the other stories I read from other bloggers, make me realize how I haven’t been showing some appreciation lately.

Good luck with Janea’s yaya and hopefully, in finding a competent replacement. Mahirap talaga where our kids are concerned.

Posted by May at July 16, 2007, 10:54 pm

May yeah youre right. Ang hirap maghanap and magtiwala na naman sa panibago. Lalo na if para kay Janea. Ngyon nga may nirecommend yung friend ko and hopefully ok na siya.

Posted by pauiej at July 17, 2007, 9:36 am

i do hope you find a yaya for janea that’s worth keeping. :) tama si may na mahirap talaga maghanap ng good help.

minsan advantage din yung mga walang asawa o kaya nasa malayong probinsya ang makukuha na yaya.

i thank god din na maswerte kami sa yaya ni kyle and keon. hindi mahilig mag day off kasi sabi nila wala naman daw silang pupuntahan. minsan kami pa ang nagsasabi na magdayoff sila. mahirap naman kung ma burn out ang mga yaya ko. :)

i hope this yaya would be a gem for you and janea. *hugs*

Posted by mommy haze at July 18, 2007, 5:42 pm

Oo nga haze, sana this time ok na tong makuha ko. ang hirap talaga pakuha-kuha ng bago. Panibagong pagtitiwala at pakikisama na naman.

Posted by pauiej at July 19, 2007, 11:09 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment