my heart's desires

Bonding

Monday, July 16, 2007

I am on leave today (see why on previous post). So I dressed up and brought Janea to the mall. Although feeling ko kakapusin ako sa hininga for carrying her but still, I decided to go.

Sa fx pa lang pasikat na ang bata. Since passenger seat kami nakasakay, kinakausap ba naman yung driver?! As if ang galing nang magsalita. Pilit pang hinahawakan yung kambio. Parang may alam sa paghawak non. Then nung may sumakay sa tabi ko, kinausap din niya ng kinausap. Tuwang tuwa nga sa kanya yung guy. Hehe wave bye bye pa siya nung bumaba yung guy. Tapos nung tinayo ko siya, maya-maya nagbu-beautiful eyes ang bata! Tawa pa ng tawa. Ayun pala, may katawanan na sa likod na girl. Tuwang tuwa tuloy sa kanya yung mga pasahero sa likod.

Nung nasa mall na kami, pinalakad ko muna siya. Pero inalalayan ko kasi gewang-gewang pa pag siya mag-isa. Aba at nagmamadali! Para bang excited at first time nakapunta sa mall. Napagod tuloy ako sa pag-alalay sa kanya. We went to 5th Floor because I wanted her to have pictorial at Child's Play (where she has 6 months membership). But this time, nawala ang pagkabibo ng bata. Ayaw ngumiti at humiwalay sa akin. Gusto kasama ako sa set. Eh hindi naman pupuwede. So we did everything we can just to catch her attention. May mga shots na Ok, pero konti lang. I printed out 2 shots lang. After the photo session, we went to National to buy stuffs for Yuji then headed to Kenny Rogers to eat. I had mashed potato for Jan and oh she liked it. Halos maubos niya half of it. Plus iced tea. After eating, umuwi na rin kami. Napagod siguro ang baby kaya nakatulog sa Fx.

I had fun bonding with my child. Kahit nagkandakuba na ako pagbuhat sa kanya (coz I cant afford to bring the stroller alone) ok lang. I had fun. I really had fun. Looking forward for more of our strolling moments. Just the two of us. Iba pa rin kasi kung kaming dalawa lang hehe. Lalo siguro mas enjoy if she's walking alone.

haay.. i love my baby so much.

Posted by pauiej at 12:31 PM | permalink | comments[4]

Wanted: Yaya

Naiinis ako sa yaya ni Janea. Nagpaalam magde-dayoff last Saturday and promised to be back Sunday evening. Pinayagan ko since hindi na nga siya nakaalis for the last 3 weeks (which is her decision na wag magday-off). Tutal sabi ko hindi na siya nagdedayoff so I allowed her to go overnight.

Sunday came and no yaya showed up. I was patiently waiting for her call (she knows our number) to advise na baka male-late siya. Pero walang tawag na natanggap. I still expected her to arrive until midnight pero wala.

Kaninang umaga, akala ko nandyan na. Pero wala pa rin. Dito na uminit ang ulo ko, pinag-usapan na namin yun before (when she did this the first time - yes, this is 2nd already) na its ok kung magtagal sa dayoff as long as valid yung reason at basta magpapasabi. Hindi yung sasabihin na Sunday babalik, naghintay ako ng Sunday, ni tawag wala. And that's what pisses me off.

When she did it first time, she was 5 days away. Walang text or tawag kqming nqtanggap. I was already looking for a replacement when she arrived. Ang sabi niya nagkasakit daw siya. So I understood (pero naghinala din ako kasi di naman siya mukang nagkasakit) pero pinabalik ko pa rin siya. Ang sabi ko sa kanya, ok lang valid naman coz she got sick. Pero ang ayaw ko lang is yung naghihintay pala kami sa wala. Ano ba naman yung tumawag siya sa bahay or mag-utos siya to call us. Ayoko sa lahat yung magsasabi ka ng di mo naman tinutupad. As if hindi kami amo. Parang ang feeling ko dahil sa sobrang bait ko sa kanila eh inaabuso nila. Its like "ok lang naman kay ate, di naman nagagalit yan". Kainis.

So ngayon, nakapag-leave ako ng wala sa oras dahil wala mag-alaga kay Janea. I cant leave to my lola alone. Bon has work and cannot afford a leave yet coz he's just starting. So bukas, anong gagawin ko?

If ever dumating yung yaya niya this day. I would never know what to do

Posted by pauiej at 11:52 AM | permalink | comments[6]